Thursday, December 16, 2010

Eto na ko oh. :)

Isang taon na ang nagdaan simula nang ako ay nagsimula gumawa ng mga istorya sa youtube dahil sa matinding paghanga kay Marcelo at Bob Ong. Ako ay nagpapasalamat sa mga taong sinuportahan at nakaappreciate ng mga ginawa ko. Lalong lalo na sa "Teenagers should watch this" at sa "sad love story :( ". Sobrang nabubuo niyo ang araw ko sa tuwing mababasa ko ang comments at messages niyo. Salamat sa pagpaparamdam ng paghanga. Baka hindi na po ako ulit makagawa ng mga ganun kaya maraming maraming salamat po dahil napasaya niyo ko kahit sa loob ng isang taong lamang. :)

Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na ipakita ang aking sarili. Sorry ang pangit. Pagtyagaan niyo na muna po. Hehe. Sa mga kakilala kong makakakita nito, hello. :)

Advance Merry Christmas everyone. Salamat sa lahat. I love you all. :)

Sunday, November 7, 2010

Ang aking kabataan (part2)

Kakaiba ang pakiramdam.. Di ko maipaliwanag.. Di ako makakilos..

"ANAK! PUMUNTA KA SA BANYO! BILIS!"

Patay. Nakatae ako sa aking saluwal. Unang beses palang ito kaya okay lang.

...

Sa wakas! Grade 1 na ako. Di ako nakapasok sa Private school na dapat kong papasukan dahil sa na-late akong mag-enroll. Kaya bumagsak ako sa public. Masaya ko kasi unang beses ko palang papasok sa malaking eskwelahan. Gusto kong maranasan ang mga napapanood ko sa TV. Yung mga batang nagbabatuhan ng papel. Yung tawag dun sa guro ay "MA'AM" hindi "TEACHER". Yung pakiramdam na madami kami sa klase at magdaldalan sa harap ng teacher.

Unang klase.
Late ako. Madaming mga bata ang nagbabatuhan ng papel. At ang saya saya ko kasi nakikita kong naaburido na ang aming adviser. Kaya tinawag ko siya para ibaling sa iba ang atensyon niya.

"MA'AM, saan po ako nakaupo?"
"dito ka sa harap."

Wow. Section A pala itong section ko. Pag sinuswerte ka nga naman..

Masaya ang naging buhay ko sa public.

Mag-CR sa maduming restroom. Yung tipong pakalat kalat nalang yung mga dumi ng mga schoolmates ko dun sa cr.
Uminom sa gripo sa lababo. Dahil sa walang drinking fountain ang school kong ito, nagtatyaga kami sa gripo sa lababo.
Kumain ng mga pagkain na dinadala sa room. Wala kaming canteen kaya dinadala lang sa bawat room yung mga pagkain namin. Maswerte na kami kung may sopas at sampuradong pagkain. Kung wala naman, sweet corn at moby nalang.
Utuin ang mga kaklase kong uto-uto. Madalas kong utuin ang mga kaklase ko na may multo sa aming school. Sabi ko pa ay sementeryo ang nasa ilalim ng room namin. Lahat sila ay naniwala kahit na nasa 3rd flr kami.

Masaya ang buhay sa public. Natuto akong magloko. Gumawa ng mga di dapat gawin. At maging masiyahin. Ang saya kaya. Try niyo :p

Grade 2
Pinasok na ko ni inay sa private school. Ang hirap ng buhay sa private. Maarte dito, mayabang dun. Matalino dito, nagmamagaling dun. Maganda dito, pogi dun. Hay naku. Mahihirapan akong makisama nito, sabi ko sa sarili ko.

Unang bigayan ng card..
Math 73
Science 74
English 76

WOW. Sayang saya ako sa grades ko nun. Kaya agad agad kong ipinakita kay mama yung card ko. Akala ko, mataas na yun. Yung pala, puro palakol. Pero sabi ni mama, ayos lang yun. Unang grading palang naman daw kasi.

At sa wakas nakilala ko na si Marvin..yung first crush ko dun sa school ko. Pogi siya. Nasa A section, mabait, responsable, gentleman. Basta.

Matagal tagal ko ding naging crush si Marvin nang patago. Hanggang sa nagkagusto na ako sa iba nung grade 3 ako. Lagi kasi siyang pinapartner kay Maan eh. Nauurat na ko. Nakilala ko si Niko. Yung pangalawang lalaking pumakaw sa mga mata ko dun sa school. Pogi..mabait..kaso mayabang. Di bale na nga. Di na muna ko magkakacrush.

Grade 4
"Okay class, we will be having our election later."
Sino naman kaya magiging president ngayon? Nako.
Dumating na yung dismissal. Ang tagal tagal nung election. Uwing uwi na ko.

Nang bigla kong narinig ang pangalan ko.
"Teacher! Isay po for muse!''
HAAAAAAAAAAAA?!!!!!!!!!!!
"Teacher! Erick po for escort!"
nabigla ako sa mga pangyayari. Hinanap ko agad kung sino si Erick. At napaiyak ako matapos ko siyang makita.
"Ayoko maging muse! Mukha siyang kabayo. :(((("

Simula noon ay madalas na akong maipartner kay Erick. Naging magkaibigan kami. Hanggang sa kumalat yung chismis na may gusto daw siya sa akin. Di ko naman masyadong pinakinggan yun dahil may BF na ako nun. Si Ken. 5 months din kaming nagtagal ni Ken. Bata pa lang ako, natuto na akong maglandi dahil sa mga kaibigan ko. :D

Kumalat ang balitang nagiging sikat na daw ako dahil sa mga nagkakagusto sa akin. Di ko na pinansin ang mga iyon. Pero sa loob loob ko..

"ANG GANDA KO! :)"


Grade 5
Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla kong nagustuhan si Erick. nagtagal kami ng 2 months. Naging masaya ang pagiging grade 5 ko. Pero di katulad nung Grade 4.

Grade 6
Marami akong nakaaway, nakasagutan, naging kaibigan at naging kalandian sa taong ito.
Isa na sa nakaaway ko yung babaeng new comer saamin. Sobrang arte na kala mo kung sinong maganda. Pero oo, maganda siya. Nakaaway ko din yung tropa ko dati nung grade3 ako dahil sa pagaakalang inaagaw ko ang kanyang EX. Di na kami nagpapansinan ni Erick, pero siya ang BF ng pinsan ko. Grade6 din ako nang makilala ko si James. Naging BF ko siya sa loob ng tatlong buwan. Medyo masaya ang naging relasyon namin kahit sa text lamang kami naguusap, pero nauwi rin sa break up dahil sa ex gf niya.

...
Graduation day na. Sa pagpasok ko next year, highschool na ako. nagpapasalamat ako sa diyos dahil pinaabot niya ko dito. Umakayat ako ng stage..

SA WAKAS! GRADUATE NA KO! :)

Thursday, August 12, 2010

Rambo at Kikay :)

hello! ako si kikay. 6 yrs old pa lang ako. gr1. maganda. matalino. at palakaibigan. lagi akong nasa park. kung sinu-sino ang kalaro. kung sinu-sino ang dinadaldal. pero isa lang ang nagtagal sa mga kaibigan ko. si Rambo. pero matanda na siya eh. nasa 25 na siguro yung age niya. crush ko nga siya eh. ang bait niya kasi eh. lagi niya kong binubuhat. tapos libre pa lagi yung pagkain ko. haha. saya naman.

Ako si Rambo. 25 yrs old. mahilig sa bata. simula kasi nung brineakan ako nung gf ko, nawalan na ako ng gana na maghanap pa ng bago. kayo nabaling yung atensyon ko sa mga bata. ang kyut kasi nila eh. ang sarap nilang magmahal at maglambing. isa sa mga paborito kong bata si Kikay. siya yung pinaka malambing sa lahat. may kwenta lahat ng kinukwento niya. magandang bata. matalino. masayang kausap. pero kahit anong gawin ko..bata pa rin siya.

"Rambo! paglaki ko, crush mo na ko?"
"oo! liligawan na kita. pag malaki ka na."
"eh kelan yun?"
"mamaya. pupunta ko sa bahay nila mama mo. haharanahin kita"
"ok po!"

hala. natakot ako bigla kay Rambo. baka totohanin niya. di pa ko handa.

"Rambo! wag ka muna pupunta ha?"
"oh bakit?"
"papagalitan ako."
"ah osige sige."

nakakatuwa talaga tong si Kikay. lahat ng bagay eh sineseryoso.

January 15 1999
Kailangan ko na umalis. sinubukan kong hanapin si Kikay pero di ko siya nakita. Alam ko namang magkikita kami pagdating ng panahon. Nagkabalikan kasi kami ng ex gf ko. May anak pala siyang dinadala.

11 yrs later..
HAPPY BIRTHDAY TO YOU, KIKAY! bati ni Xander. yung manliligaw ko. ay grabeng kakiligan naman itong nararamdaman ko. "Kikay, i love you." "I LOVE YOU TOO XANDER!" yun ang pinaka masaya kong birthday. nagtagal kami si Xander. masayang masaya talaga ako sa kanya. di ko na din naiisip si Rambo. medyo natatawa nalang ako pag naiisip ko yung mga pangyayari nung kabataan ko. pero okay na yun. ang mahalaga, nagmamahalan kami ni Xander.

"kay, pakilala na kita kila mommy mamayang gabi. see you. iloveyou."
"oo. sige. kinakabahn pa rin nga ako eh. see you. ilytoo."

eto na. kinakabahan na ko. mamimeet ko na parents ni Xander. sana lang maging okay yung mga mangyayari mamaya. whew.


Mom, Dad, she's Kristine, my girlfriend.

success! napakilala na ako ni Xander. kainan na!

"Kristine, anak, kain na tayo."
sabi ng mama ni Xander. wow. nakakalaki naman ng ulo.

sa kalagitnaan ng kainan..

"oh Kikay gusto mo pa ba ng kanin?"
"no thanks, Xander. busog na ko."

....
....
....
"KIKAY?"

natigilan ako.
"bakit po?"














"SI RAMBO ITO!"
sabi ng tatay ni Xander.

natulala ako. di ko alam sasabihin ko. ano ba ibig sabihin niya? masaya ba siyang ako ang girlfriend ng anak niya? oh galit kasi hindi ko siya inintay? waaah.

"masaya ko kasi ikaw ng napili ng anak ko. sana maging masaya kayo."


the end.

Saturday, May 29, 2010

Ang aking kabataan.

"taya! taya ka na!" Sabi ni Becca. "hala! oh sige na nga!" Sagot ko naman. Buong araw akong na sa kalye. Matutulog, kakain, maliligo, laro, kain, ligo, tulog. Ganyan lang ako sa araw-araw. Ayokong naiiwan sa bahay, wala din kasi sila inay dun eh. Nagtatrabaho sila.


Unang araw ng klase..
"Good morning kids! Okay, Let's pray." bati ni Teachaer Penchi. Unang araw ko sa eskwela. Hinatid ako ng lola ko, at iniwan na ako sa aking classroom. Sa wakas, makapag-aaral na din ako. Gustong gusto kong may ginagawa ako, lalo na ang pag-aaral. "Mamaaaaaaaaaa!!!! Huhuhu! Ayoko! Ayokoooo ditooo!" Sigaw ng isang bata. Ang ingay ingay niya. Di siya tumitigil sa kaiiyak. Hanggang sa nagturo na si Teacher Penchi. Unang klase pa lang ay madami na akong nakilala. May service din ako na naghahatid sakin kahit napakalapit lamang ng eskwela sa aming bahay. "Ang saya ng first day ko, Lola!" bati ko sa lola ko. "Talaga? May assignment ba kayo, ha Isay?" sagot ni lola habang inaalis ang bag sa aking likuran. "Meron po, nasa notebook 1 po nakasulat, la"
Araw-araw akong ganun. Masaya pag-uwi, masaya din papasok. Malamig kasi dun sa room namin. At ang dami ko pang kaibigan. Sina Paolo, Ariane, Dorothy, Simon at si Jonathan.

"Yihee! Paolo, Jonathan, ayan na si Isay oh." tukso ng iba naming kaklase. Naiinis talaga ko pag tinutukso ako sa dalawang iyon. Si Simon kasi ang gusto ko eh. Ang linis niya, gwapo, at matalino. Kaservice ko siya. Kaya naman sobrang saya ko lalo na pag magkatabi kami sa klase at service.

United Nations Day.
"Sayang, hindi natin nakuha ang Ms. China at Ms. Japan, sige, Ms. Puerto Rico ka nalang" Sabi ni Lola. Binigay yung gown ko, maganda, mahaba. Pero, nung nalaman kong ipinartner si Simon kay Faye na Ms. Japan, nawalan ako ng gana. Lalo na nang malaman kong si Jonathan ang partner ko.
Gabi na. Mag peperform na kami sa stage. Pero dahil sa ayokong partner si Jonathan, hindi ako sumayaw nung kami na ang magpeperform. Iniwan ko siya sa stage.
Hayyyy. Nakakainis!

Graduation day.
TOP 1 AKO! Ang saya saya ko talaga. Makakapagbakasyon na kasi ako! Di ko pa alam nun kung anung ibig sabihin kapag "Top 1". Bahala na!

Bakasyon na! Sa wakas, makakapaglaro na ulit ako dun sa bahay namin!
"B C APPLE I LOVE YOU......" laro namin lagi nila Joy, Len, Becca at...Koykoy. Hay nako, gustong gusto ko talagang laro ito lalo na pag kay Koykoy hihinto ang kanta. Nagbibigay kasi siya ng clue kung sino ang gusto niya saming apat. "Oh Koykoy! Anung first letter ng crush mo? Dito lang satin ha!" Sabi ni Joy. "Ahmmmmm..... I !"

napahinto ako, napaisip.. "JJJJoy...LLLLLen...BBBBecca...........ISAY!"
hindi ako makapaniwala! apat kaming may gusto sa kanya tapos ako ang crush niya?! Pwede na akong mamatay! Sabi ko sa sarili ko.

Barbers ang buhok, Payat, Bulok ang ngipin sa harap, amoy araw. Yan ako.
Shark style ang buhok, maputi, may dimples, katamtaman ang katawan. Yan si Koykoy.
Dream boy talaga siya ng mga babae samin. Siguro kaya niya ko nagustuhan dahil sa pagpapahiram ko sa kanya ng SCOOTER ko. Sus, asa naman ako.

"Maysa, Duwa, Talo, Upat, Lima, Inem...." Lagi akong tinuturuan ni ate Maritess magilocano. Siya ang favorite kong yaya. Mabait kasi siya. Tinuturuan niya kong kumanta, magayos ng sarili at MAGPACUTE. Lagi niya kong sinasama kapag magtatagpo sila ni kuya Paul. Yung tricycle driver dun samin.Di ko siya sinusumbong kay Inay, kasi pag nandun kami kay nila kuya Paul, may libre akong mangga.

...

1 taon akong huminto. Dahil masyado daw akong bata para mag grade 1. Iba na din ang yaya ko dahil nahuli si ate Maritess na natutulog sa loob ng van namin ng walang paalam. Si ate Norma na ang bago kong yaya. Mabait siya....kapag andyan sila mama. Hay naku! Ayoko talaga sa kanya! Hindi niya ko pinaliliguan, Lagi akong kinukurot, at TAMAD.

Laging partner ang damit ko noon, kung hindi naman, ay sando ni kuya at shorts na butas. Tack-in pa ang uso, kaya ang panakot ni lola sa akin ay PULIS..para lang hindi ako mag tack-in. Nakajumper naman ako sa tuwing aalis kami.


Madalas akong maglaro at tumambay sa tindahan namin. Sa maliit na butas ko nakakausap ang mga kaibigan ko kung ako ang nakatokang magbantay nito.

Naglalaro ako sa tindahan namin nang may naramdaman akong kakaiba sa aking katawan..
Huminto ang mundo ko..
Di ko alam ang dapat na gawin..



"LAGOT!"