"taya! taya ka na!" Sabi ni Becca. "hala! oh sige na nga!" Sagot ko naman. Buong araw akong na sa kalye. Matutulog, kakain, maliligo, laro, kain, ligo, tulog. Ganyan lang ako sa araw-araw. Ayokong naiiwan sa bahay, wala din kasi sila inay dun eh. Nagtatrabaho sila.
Unang araw ng klase..
"Good morning kids! Okay, Let's pray." bati ni Teachaer Penchi. Unang araw ko sa eskwela. Hinatid ako ng lola ko, at iniwan na ako sa aking classroom. Sa wakas, makapag-aaral na din ako. Gustong gusto kong may ginagawa ako, lalo na ang pag-aaral. "Mamaaaaaaaaaa!!!! Huhuhu! Ayoko! Ayokoooo ditooo!" Sigaw ng isang bata. Ang ingay ingay niya. Di siya tumitigil sa kaiiyak. Hanggang sa nagturo na si Teacher Penchi. Unang klase pa lang ay madami na akong nakilala. May service din ako na naghahatid sakin kahit napakalapit lamang ng eskwela sa aming bahay. "Ang saya ng first day ko, Lola!" bati ko sa lola ko. "Talaga? May assignment ba kayo, ha Isay?" sagot ni lola habang inaalis ang bag sa aking likuran. "Meron po, nasa notebook 1 po nakasulat, la"
Araw-araw akong ganun. Masaya pag-uwi, masaya din papasok. Malamig kasi dun sa room namin. At ang dami ko pang kaibigan. Sina Paolo, Ariane, Dorothy, Simon at si Jonathan.
"Yihee! Paolo, Jonathan, ayan na si Isay oh." tukso ng iba naming kaklase. Naiinis talaga ko pag tinutukso ako sa dalawang iyon. Si Simon kasi ang gusto ko eh. Ang linis niya, gwapo, at matalino. Kaservice ko siya. Kaya naman sobrang saya ko lalo na pag magkatabi kami sa klase at service.
United Nations Day.
"Sayang, hindi natin nakuha ang Ms. China at Ms. Japan, sige, Ms. Puerto Rico ka nalang" Sabi ni Lola. Binigay yung gown ko, maganda, mahaba. Pero, nung nalaman kong ipinartner si Simon kay Faye na Ms. Japan, nawalan ako ng gana. Lalo na nang malaman kong si Jonathan ang partner ko.
Gabi na. Mag peperform na kami sa stage. Pero dahil sa ayokong partner si Jonathan, hindi ako sumayaw nung kami na ang magpeperform. Iniwan ko siya sa stage.
Hayyyy. Nakakainis!
Graduation day.
TOP 1 AKO! Ang saya saya ko talaga. Makakapagbakasyon na kasi ako! Di ko pa alam nun kung anung ibig sabihin kapag "Top 1". Bahala na!
Bakasyon na! Sa wakas, makakapaglaro na ulit ako dun sa bahay namin!
"B C APPLE I LOVE YOU......" laro namin lagi nila Joy, Len, Becca at...Koykoy. Hay nako, gustong gusto ko talagang laro ito lalo na pag kay Koykoy hihinto ang kanta. Nagbibigay kasi siya ng clue kung sino ang gusto niya saming apat. "Oh Koykoy! Anung first letter ng crush mo? Dito lang satin ha!" Sabi ni Joy. "Ahmmmmm..... I !"
napahinto ako, napaisip.. "JJJJoy...LLLLLen...BBBBecca...........ISAY!"
hindi ako makapaniwala! apat kaming may gusto sa kanya tapos ako ang crush niya?! Pwede na akong mamatay! Sabi ko sa sarili ko.
Barbers ang buhok, Payat, Bulok ang ngipin sa harap, amoy araw. Yan ako.
Shark style ang buhok, maputi, may dimples, katamtaman ang katawan. Yan si Koykoy.
Dream boy talaga siya ng mga babae samin. Siguro kaya niya ko nagustuhan dahil sa pagpapahiram ko sa kanya ng SCOOTER ko. Sus, asa naman ako.
"Maysa, Duwa, Talo, Upat, Lima, Inem...." Lagi akong tinuturuan ni ate Maritess magilocano. Siya ang favorite kong yaya. Mabait kasi siya. Tinuturuan niya kong kumanta, magayos ng sarili at MAGPACUTE. Lagi niya kong sinasama kapag magtatagpo sila ni kuya Paul. Yung tricycle driver dun samin.Di ko siya sinusumbong kay Inay, kasi pag nandun kami kay nila kuya Paul, may libre akong mangga.
...
1 taon akong huminto. Dahil masyado daw akong bata para mag grade 1. Iba na din ang yaya ko dahil nahuli si ate Maritess na natutulog sa loob ng van namin ng walang paalam. Si ate Norma na ang bago kong yaya. Mabait siya....kapag andyan sila mama. Hay naku! Ayoko talaga sa kanya! Hindi niya ko pinaliliguan, Lagi akong kinukurot, at TAMAD.
Laging partner ang damit ko noon, kung hindi naman, ay sando ni kuya at shorts na butas. Tack-in pa ang uso, kaya ang panakot ni lola sa akin ay PULIS..para lang hindi ako mag tack-in. Nakajumper naman ako sa tuwing aalis kami.
Madalas akong maglaro at tumambay sa tindahan namin. Sa maliit na butas ko nakakausap ang mga kaibigan ko kung ako ang nakatokang magbantay nito.
Naglalaro ako sa tindahan namin nang may naramdaman akong kakaiba sa aking katawan..
Huminto ang mundo ko..
Di ko alam ang dapat na gawin..
"LAGOT!"
Saturday, May 29, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)