Sunday, November 7, 2010

Ang aking kabataan (part2)

Kakaiba ang pakiramdam.. Di ko maipaliwanag.. Di ako makakilos..

"ANAK! PUMUNTA KA SA BANYO! BILIS!"

Patay. Nakatae ako sa aking saluwal. Unang beses palang ito kaya okay lang.

...

Sa wakas! Grade 1 na ako. Di ako nakapasok sa Private school na dapat kong papasukan dahil sa na-late akong mag-enroll. Kaya bumagsak ako sa public. Masaya ko kasi unang beses ko palang papasok sa malaking eskwelahan. Gusto kong maranasan ang mga napapanood ko sa TV. Yung mga batang nagbabatuhan ng papel. Yung tawag dun sa guro ay "MA'AM" hindi "TEACHER". Yung pakiramdam na madami kami sa klase at magdaldalan sa harap ng teacher.

Unang klase.
Late ako. Madaming mga bata ang nagbabatuhan ng papel. At ang saya saya ko kasi nakikita kong naaburido na ang aming adviser. Kaya tinawag ko siya para ibaling sa iba ang atensyon niya.

"MA'AM, saan po ako nakaupo?"
"dito ka sa harap."

Wow. Section A pala itong section ko. Pag sinuswerte ka nga naman..

Masaya ang naging buhay ko sa public.

Mag-CR sa maduming restroom. Yung tipong pakalat kalat nalang yung mga dumi ng mga schoolmates ko dun sa cr.
Uminom sa gripo sa lababo. Dahil sa walang drinking fountain ang school kong ito, nagtatyaga kami sa gripo sa lababo.
Kumain ng mga pagkain na dinadala sa room. Wala kaming canteen kaya dinadala lang sa bawat room yung mga pagkain namin. Maswerte na kami kung may sopas at sampuradong pagkain. Kung wala naman, sweet corn at moby nalang.
Utuin ang mga kaklase kong uto-uto. Madalas kong utuin ang mga kaklase ko na may multo sa aming school. Sabi ko pa ay sementeryo ang nasa ilalim ng room namin. Lahat sila ay naniwala kahit na nasa 3rd flr kami.

Masaya ang buhay sa public. Natuto akong magloko. Gumawa ng mga di dapat gawin. At maging masiyahin. Ang saya kaya. Try niyo :p

Grade 2
Pinasok na ko ni inay sa private school. Ang hirap ng buhay sa private. Maarte dito, mayabang dun. Matalino dito, nagmamagaling dun. Maganda dito, pogi dun. Hay naku. Mahihirapan akong makisama nito, sabi ko sa sarili ko.

Unang bigayan ng card..
Math 73
Science 74
English 76

WOW. Sayang saya ako sa grades ko nun. Kaya agad agad kong ipinakita kay mama yung card ko. Akala ko, mataas na yun. Yung pala, puro palakol. Pero sabi ni mama, ayos lang yun. Unang grading palang naman daw kasi.

At sa wakas nakilala ko na si Marvin..yung first crush ko dun sa school ko. Pogi siya. Nasa A section, mabait, responsable, gentleman. Basta.

Matagal tagal ko ding naging crush si Marvin nang patago. Hanggang sa nagkagusto na ako sa iba nung grade 3 ako. Lagi kasi siyang pinapartner kay Maan eh. Nauurat na ko. Nakilala ko si Niko. Yung pangalawang lalaking pumakaw sa mga mata ko dun sa school. Pogi..mabait..kaso mayabang. Di bale na nga. Di na muna ko magkakacrush.

Grade 4
"Okay class, we will be having our election later."
Sino naman kaya magiging president ngayon? Nako.
Dumating na yung dismissal. Ang tagal tagal nung election. Uwing uwi na ko.

Nang bigla kong narinig ang pangalan ko.
"Teacher! Isay po for muse!''
HAAAAAAAAAAAA?!!!!!!!!!!!
"Teacher! Erick po for escort!"
nabigla ako sa mga pangyayari. Hinanap ko agad kung sino si Erick. At napaiyak ako matapos ko siyang makita.
"Ayoko maging muse! Mukha siyang kabayo. :(((("

Simula noon ay madalas na akong maipartner kay Erick. Naging magkaibigan kami. Hanggang sa kumalat yung chismis na may gusto daw siya sa akin. Di ko naman masyadong pinakinggan yun dahil may BF na ako nun. Si Ken. 5 months din kaming nagtagal ni Ken. Bata pa lang ako, natuto na akong maglandi dahil sa mga kaibigan ko. :D

Kumalat ang balitang nagiging sikat na daw ako dahil sa mga nagkakagusto sa akin. Di ko na pinansin ang mga iyon. Pero sa loob loob ko..

"ANG GANDA KO! :)"


Grade 5
Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla kong nagustuhan si Erick. nagtagal kami ng 2 months. Naging masaya ang pagiging grade 5 ko. Pero di katulad nung Grade 4.

Grade 6
Marami akong nakaaway, nakasagutan, naging kaibigan at naging kalandian sa taong ito.
Isa na sa nakaaway ko yung babaeng new comer saamin. Sobrang arte na kala mo kung sinong maganda. Pero oo, maganda siya. Nakaaway ko din yung tropa ko dati nung grade3 ako dahil sa pagaakalang inaagaw ko ang kanyang EX. Di na kami nagpapansinan ni Erick, pero siya ang BF ng pinsan ko. Grade6 din ako nang makilala ko si James. Naging BF ko siya sa loob ng tatlong buwan. Medyo masaya ang naging relasyon namin kahit sa text lamang kami naguusap, pero nauwi rin sa break up dahil sa ex gf niya.

...
Graduation day na. Sa pagpasok ko next year, highschool na ako. nagpapasalamat ako sa diyos dahil pinaabot niya ko dito. Umakayat ako ng stage..

SA WAKAS! GRADUATE NA KO! :)