Thursday, January 2, 2014

Strangers with memories. :)

Wow, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, kung anu anong blog posts yung pinopost ko sa mga blog ko para lang maparamdam ko sa readers ko na broken at malungkot ako. Akalain mo nga naman oh, 2 years na agad yun? March 30 2012 simula nung nagbreak kami nung ex ko. Akala ko wala na kong pag-asang makakawala sa kanya. Sa sobrang daming beses kong bumalik balik sa kanya, akala ko, ganun nalang ako.. Nakatali. Pero ngayon, isang buwan nalang, isang taon na kami ng boyfriend ko. Hindi ko mapaliwanag kung gano ako kasaya ngayon. Bawing-bawi lahat ng sakit na pinagdaan ko dati.
Isang taon.. Isang taon akong walang direksiyon sa buhay. Isang taon na kung sinu sino nalang ang nakakatext at nakakasama ko. Isang taon na ginagastos ko ang pera ko sa pagbabar at pag gagala. Isang taon na pinilit kong maging okay. Isang taon na pinilit kong maging masaya.. maging maganda.. maging sapat para sa lahat. Isang taon akong umasa na sana maging okay na lahat. Isang taon na umasa akong babalik kami sa dati. Isang taon na umasa akong sana kami nalang ulit. Pero sa isang taon na yun, narealize kong tatlong taon palang umikot sa kanya yung mundo ko. Tatlong taon akong nagmamahal at nasasaktan. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto akong maging independent. Sa tagal namin ng ex ko, masyado kong dinepende ang kasiyahan at buhay ko sa kanya kaya nung umalis siya, hindi ko alam kung san ako magsisimula kasi pakiramdam ko, kinuha niya ang lahat sakin. Bago pa man matapos ang 2012, wala kong ibang hiniling kundi ang maging masaya. February 2 2013 nung official akong nagdecision na magtake ulit ng risk sa love. God gave me him. I couldn't thank God enough for giving me someone like my present boyfriend. Hindi katulad nung sa ex kong paputol putol at pabreak break. Masaya kami and masasabi kong nagmature na talaga ako dahil di na ako katulad ng dati na makitid ang utak at sobrang taas ng pride. Sa ngayon, may sariling buhay na din yung ex ko. May nakapagsabi sakin na may girlfriend na din siya. And yes, I can honestly say that I am happy for him kasi finally, nakahanap na rin siya ng bago pagkatapos ng halos dalawang taon rin niyang pagiging single. Siguro hindi nga talaga kami para sa isa't isa. Siguro, sira na kami bago pa namin marealize na nasisira na kami. Maybe we were just so in love before na hindi na namin napansin na matagal na palang sinasabi ng chances na hindi na talaga pwede. About our part 2? Siguro ito na nga yun. Our happy ending with our new lovers. Di ko macoconsider na sad ending ito, kasi we are both happy with our own lives. At yung boyfriend ko ngayon? Hayyy nako, malapit lapit na akong grumaduate, sa totoo lang, kung papayagan lang kami ni Lord, siya na yung gusto kong makasama.. :) Yung orion constellation will always be for him. Walang makakapalit nun. Maybe I just decided na I shouldn't settle for three beautiful stars. Kasi right now, I'm with the brightest star. :) Yes, naiisip ko pa rin siya especially pag namemention siya ng friends and family ko. Or whenever I look at the sky. Pano ko ba namang hindi maiisip e sa tuwing titingala ako, yung orion yung nakikita ko? Hehe. Masaya ako kasi masaya kami pareho. May times na maiisip ko kung pano kami dati. Minsan di ko maiwasan mainis kasi ang tanga ko, pero mas natatawa nalang ako kasi ang tanga ko. Hahaha. Di na katulad ng ilang beses kong posts dati na di na kami magbabalikan, now, I can finally say that I have moved on. No more hurts, no more sadness, just memories. :) He will always be my first love. I will never regret everything that we had kasi he was once my source of happiness and energy. He will always be the first one I'll think of when someone asks me who's my first boyfriend. Pero... ngayon... we're strangers... with memories. :)

Sunday, September 16, 2012

Some feelings are better left unsaid.

Naranasan nyo na bang mahulog para sa isang kaibigan?

Sobrang hirap pala no? Unang beses ko lang tong maranasan. Unang beses mangyari sakin to. Unang beses ko tong naramdaman.. at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Dati kasi pag naririnig ko yung mga kwento tungkol sa magkaibigan na nafall sa isa't isa, iniisip ko na agad na never mangyayari yun sakin kasi pag nagkakaron ako ng kaibigan, sinisigurado kong kaibigan ko lang talaga. Yung tipong alam ko sa sarili kong hindi ako magkakagusto sakanya kasi kaibigan lang talaga yung tingin ko sakanya. Pero kakaiba pala talaga pag andun ka na sa sitwasyon na yun. Biglang hindi mo na alam kung bakit ganun yung nararamdaman mo. Biglang hindi mo na macontrol yung feelings mo para dun sa kaibigan mo.

Nung una, ayoko pang isiping mahal ko na sya. Lagi kong iniisip na baka natutuwa lang ako. Na baka masaya lang talaga sya kasama. Pero nung tumagal.. dumadami na yung dahilan para mahalin sya. Alam nyo yun. Pag malungkot ako, sya yung lagi nakakapagpatawa sakin. Pag wala sya sa mood, nawawala na din ako sa mood. Gusto ko lagi syang masaya. Gusto ko ako yung dahilan kung bakit sya tumatawa. Gusto ko, lagi ko syang napapatawa yung kahit nagmumuka na kong tanga. Tapos gusto ko sya laging kausap. Kachat. Tapos lagi syang andyan para sakin. Lagi syang nakikinig sa mga kwento ko.. kahit paulit-ulit.. kahit lagi lagi. Lagi nya kong napapatawa. Lagi nya kong napapasaya. Gusto ko yung way nya ng pagbibigay ng advice. Madalas kami yung magkapartner, kami yung magkatabi. Madalas kami lang yung nagkakaintindihan. I like everything about him. Shit.

Bigla nalang eh. Actually, ni minsan hindi talaga sumagi sa isip ko na maffall ako sa kahit sinong kaibigan ko. Pero sabi nga nila pag tinamaan ka talaga, wala ka nang kawala. Okay lang sana, kaso... kaibigan ko siya eh. Sobrang hirap. Hindi ko manlang masabi sakanya tong nararamdaman ko kasi ayokong masira yung friendship namin. Ayokong mailang sya sakin. Ayokong isipin nya na baka bigyan ko na ng meaning yung kahit anong gagawin nya. Alam nyo yun. Tapos, ang mas mahirap pang part is.. mahal sya ng bestfriend ko.

Kung pwede ko lang sakalin si kupido ginawa ko na. Sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit dun pa sa kaibigan ko? Bakit dun pa sa kaibigan kong mahal ng kaibigan ko? Ayokong isiping unfair ang buhay, pero di ko maiwasan magtanong kung bakit. Di ko makita yung purpose kung bakit to nangyayari. Nakakabaliw. Yung tipong yun lang yung iniisip mo buong gabi. Sobrang bothered ka tapos hindi mo alam kung saan ka lulugar. Yung feeling na kailangan mo pang mamili kung ano bang uunahin mo. Kung yung feelings mo ba o feelings ng kaibigan mo.

Pero yun, sa kahit anong side ko tignan, hindi ko kayang igive up yung friendship namin ng bestfriend ko para lang sa feelings ko. Martyr kung martyr. Mas pinahahalagahan ko lang siguro yung pagkakaibigan namin kesa sa nararamdaman ko. Besides, di din naman ako sigurado kung tanggap ako ng kaibigan kong mahal ko kung saka sakali. Kaya itatago ko nalang to sa sarili ko. Nahihirapan ako kapag nagoopen yung bestfriend ko ng problema nya about dun sa kaibigan ko, kasi wala akong maipayo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Siguro, kakalimutan ko nalang to. Kasi wala din namang mangyayari. Gugulo lang lahat.

Siguro hahayaan ko nalang munang ganto yung sitwasyon. For sure, pag tumagal.. mawawala din tong nararamdaman ko. Hayyy. Ang bigat bigat sa feeling. Sana mawala na to. :|

Tuesday, June 7, 2011

Parang kulang na, kapag ika'y wala.

Hello followers :) Ako nga pala si Emtri. Next time na ako magpapakilala sainyo ah? Pero kung gusto niyo na ko makilala, pilitin niyo ko :P Haha. Joke lang.

Ayun, gusto ko lang naman magshare sainyo ng mga pinagdadaanan ko ngayon. Siguro, nahalata niyo na din naman sa title nitong blog post na to. At para liwanagin nadin yung mga nasa isip niyo, opo, broken hearted ako. Hahaha. Nakakahiya man sabihin, pero totoo. Gusto ko lang magshare para naman may clue din kayo sa pinagdadaanan ko. Alam ko namang konti lang makakabasa nito, pero just in case na maka'relate kayo, comment na din kayo. :)

I just broke up with my boyfriend last night. Actually, pareho sa oras na ginagawa ko to. So, ibig sabihin, isang araw na kong single. At sa oras na to, Hiling by Silent Sanctuary lang pinapakinggan ko.

Our relationship lasted for almost 21 months. Sayang, hindi kami umabot sa 11. Pero ewan ko. 25 times na kaming nagbreak. 25 times na nagbalikan. 25 times na sinabi kong I have to let go and move on. And I have failed 25 times now. Siguro nga, totoo yung sinabi nilang all good things come to an end. Siguro nga, maraming bad memories na nangyari samin, pero siya yung pinaka magandang nangyari sa buhay ko. And our relationship? It was the best relationship I've ever had. He was my bestfriend. My inspiration. My lover. My fan. My kuya. My strength. My all.

Nobody understands how much I miss him. Yung isang araw na yun? Parang isang taon na yung nagdaan. Di ako sanay. Pero sana, maging okay na ang lahat, kahit di man kami magkabalikan.

Until now, di padin ako makapaniwalang mapupunta lang sa ganto yung almost two years na pinaghirapan namin. Yung mga pangarap namin. Yung mga plano namin.

OMG NAKAKAIYAK. HAHA.

Siguro nagtataka ka kung bakit kami magbreak?

Kasi may mga bagay na hindi namin napagkakasunduan. Mga bagay na hindi madaling lutasin. May mga taong hindi madaling iwasan. Minsan kasi, kahit mahal mo ang isang tao, meron at meron kang hahanapin na hindi mo makita sa kanya. lalo na kung hindi siya yung para sayo. Kaya, hahanapin mo yun sa iba, though mahal mo naman talaga yung isa. Kaya nga lang, may mga tao lang talagang pagod na masaktan kaya papakawalan nalang niya yung mahal niya kahit alam niyang mahal siya nito para lang mahanap nito yung gusto niya sa iba kahit masakit. Nagets niyo? Ganun kasi yung nangyari samin nung ex ko. Siguro, hindi lang talaga sapat at hindi lang talaga kami para sa isa't isa. Wala namang 2nd party (I hope). It's just that dumating na kami sa point na we're taking each other for granted. Like dapat may lakad kami tapos biglang wala na pala. And, medyo cold na siya sakin. May mga bagay siyang ginawa kahit alam niyang masasaktan ako. Mahal ko siya? Oo. Mahal na mahal na mahal. Siguro napagod lang talaga akong masaktan. Na kahit na sobrang mahal ko siya, di na ko masaya. Kasi hindi na maganda yung mga nangyayari. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung pano. Hindi ko kasi alam kung importante pa ba ko sa kanya. Hindi ko na siya maramdaman. Oh baka pinapaniwala ko nalang yung sarili kong mahal niya pa ko. Siguro nga, I wasn't enough, I wasn't the one. Kahit binigay ko naman yung best ko, I've done so many sacrifices for him, for our relationship. Sabi nga nila, sometimes love just ain't enough.


Sa ngayon, hindi ko alam kung pano at saan ako magsisimula. Siya lang iniisip ko. At hanggang ngayon, naghihintay padin ako ng text niya. Natatakot akong di nako makahanap ng better pa sa kanya. Pero alam ko namang may purpose to. Si God na bahala sakin. Haaay. Mahal na mahal ko siya guys. At sobrang nasasaktan ako ngayon. Kayo lang naisip kong mapagopenan nito. Ang bigat kasi sa loob eh. Ang sakit sakit kasi. :)

Umaasa padin ako, na balang araw, maging okay kami. Di man bilang lovers, kahit bilang magkaibigan lang. :) Sana mapunta siya sa matinong babae. Sana makahanap siya ng babaeng makakasama niya habang buhay. Yung aalalagan siya katulad nung ginawa ko, o higit pa dun. Yung mamahalin din siya ng sobra. Yung hindi siya iiwan. Hindi man ako yun.

Sorry guys ang emo ah. Ngayon nalang kasi ako ulit nagkaganito eh. After 3 years :| Sana nababasa niya to. Hindi ko na kasi nasabi tong mga to sa kanya. Ayoko na kasi siyang bigyan pa ng sakit sa ulo/sakit sa puso.

Sana ramdam mo..na miss na kita. Na mahal kita. Na nahihirapan ako. Na nasasaktan ako. Sana wag ka masyadong malungkot. Ingatan mo sarili mo ha? Wag ka magpapagabi ng uwi. Wag ka na magdiet :) Naaalala mo pa ba yung orion constellation? Tingin ka lang dun pag namimiss mo ko, tapos dun mo malalamang okay ako, at miss din kita. :) Sana kahit di mo nakita sakin yung hinahanap mo, naging masaya ka. :) Sana maging masaya ka ngayong malaya ka na. :) Be good ha? Mahal na mahal kita, mal. Mahal na mahal kita M.

Ipipikit ko ang aking mata dahil nais ka lamang mahagkan, nais ka lamang masilayan, dahil alam kong tapos na, dahil alam kong wala ka na. At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana akoy iyong mahalin hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin patungo sa iyo. :|


September 11, 2009-June 07, 2011




June 08, 2011 1:20AM