Thursday, January 2, 2014

Strangers with memories. :)

Wow, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, kung anu anong blog posts yung pinopost ko sa mga blog ko para lang maparamdam ko sa readers ko na broken at malungkot ako. Akalain mo nga naman oh, 2 years na agad yun? March 30 2012 simula nung nagbreak kami nung ex ko. Akala ko wala na kong pag-asang makakawala sa kanya. Sa sobrang daming beses kong bumalik balik sa kanya, akala ko, ganun nalang ako.. Nakatali. Pero ngayon, isang buwan nalang, isang taon na kami ng boyfriend ko. Hindi ko mapaliwanag kung gano ako kasaya ngayon. Bawing-bawi lahat ng sakit na pinagdaan ko dati.
Isang taon.. Isang taon akong walang direksiyon sa buhay. Isang taon na kung sinu sino nalang ang nakakatext at nakakasama ko. Isang taon na ginagastos ko ang pera ko sa pagbabar at pag gagala. Isang taon na pinilit kong maging okay. Isang taon na pinilit kong maging masaya.. maging maganda.. maging sapat para sa lahat. Isang taon akong umasa na sana maging okay na lahat. Isang taon na umasa akong babalik kami sa dati. Isang taon na umasa akong sana kami nalang ulit. Pero sa isang taon na yun, narealize kong tatlong taon palang umikot sa kanya yung mundo ko. Tatlong taon akong nagmamahal at nasasaktan. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto akong maging independent. Sa tagal namin ng ex ko, masyado kong dinepende ang kasiyahan at buhay ko sa kanya kaya nung umalis siya, hindi ko alam kung san ako magsisimula kasi pakiramdam ko, kinuha niya ang lahat sakin. Bago pa man matapos ang 2012, wala kong ibang hiniling kundi ang maging masaya. February 2 2013 nung official akong nagdecision na magtake ulit ng risk sa love. God gave me him. I couldn't thank God enough for giving me someone like my present boyfriend. Hindi katulad nung sa ex kong paputol putol at pabreak break. Masaya kami and masasabi kong nagmature na talaga ako dahil di na ako katulad ng dati na makitid ang utak at sobrang taas ng pride. Sa ngayon, may sariling buhay na din yung ex ko. May nakapagsabi sakin na may girlfriend na din siya. And yes, I can honestly say that I am happy for him kasi finally, nakahanap na rin siya ng bago pagkatapos ng halos dalawang taon rin niyang pagiging single. Siguro hindi nga talaga kami para sa isa't isa. Siguro, sira na kami bago pa namin marealize na nasisira na kami. Maybe we were just so in love before na hindi na namin napansin na matagal na palang sinasabi ng chances na hindi na talaga pwede. About our part 2? Siguro ito na nga yun. Our happy ending with our new lovers. Di ko macoconsider na sad ending ito, kasi we are both happy with our own lives. At yung boyfriend ko ngayon? Hayyy nako, malapit lapit na akong grumaduate, sa totoo lang, kung papayagan lang kami ni Lord, siya na yung gusto kong makasama.. :) Yung orion constellation will always be for him. Walang makakapalit nun. Maybe I just decided na I shouldn't settle for three beautiful stars. Kasi right now, I'm with the brightest star. :) Yes, naiisip ko pa rin siya especially pag namemention siya ng friends and family ko. Or whenever I look at the sky. Pano ko ba namang hindi maiisip e sa tuwing titingala ako, yung orion yung nakikita ko? Hehe. Masaya ako kasi masaya kami pareho. May times na maiisip ko kung pano kami dati. Minsan di ko maiwasan mainis kasi ang tanga ko, pero mas natatawa nalang ako kasi ang tanga ko. Hahaha. Di na katulad ng ilang beses kong posts dati na di na kami magbabalikan, now, I can finally say that I have moved on. No more hurts, no more sadness, just memories. :) He will always be my first love. I will never regret everything that we had kasi he was once my source of happiness and energy. He will always be the first one I'll think of when someone asks me who's my first boyfriend. Pero... ngayon... we're strangers... with memories. :)

No comments:

Post a Comment