Sunday, September 16, 2012
Some feelings are better left unsaid.
Naranasan nyo na bang mahulog para sa isang kaibigan?
Sobrang hirap pala no? Unang beses ko lang tong maranasan. Unang beses mangyari sakin to. Unang beses ko tong naramdaman.. at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Dati kasi pag naririnig ko yung mga kwento tungkol sa magkaibigan na nafall sa isa't isa, iniisip ko na agad na never mangyayari yun sakin kasi pag nagkakaron ako ng kaibigan, sinisigurado kong kaibigan ko lang talaga. Yung tipong alam ko sa sarili kong hindi ako magkakagusto sakanya kasi kaibigan lang talaga yung tingin ko sakanya. Pero kakaiba pala talaga pag andun ka na sa sitwasyon na yun. Biglang hindi mo na alam kung bakit ganun yung nararamdaman mo. Biglang hindi mo na macontrol yung feelings mo para dun sa kaibigan mo.
Nung una, ayoko pang isiping mahal ko na sya. Lagi kong iniisip na baka natutuwa lang ako. Na baka masaya lang talaga sya kasama. Pero nung tumagal.. dumadami na yung dahilan para mahalin sya. Alam nyo yun. Pag malungkot ako, sya yung lagi nakakapagpatawa sakin. Pag wala sya sa mood, nawawala na din ako sa mood. Gusto ko lagi syang masaya. Gusto ko ako yung dahilan kung bakit sya tumatawa. Gusto ko, lagi ko syang napapatawa yung kahit nagmumuka na kong tanga. Tapos gusto ko sya laging kausap. Kachat. Tapos lagi syang andyan para sakin. Lagi syang nakikinig sa mga kwento ko.. kahit paulit-ulit.. kahit lagi lagi. Lagi nya kong napapatawa. Lagi nya kong napapasaya. Gusto ko yung way nya ng pagbibigay ng advice. Madalas kami yung magkapartner, kami yung magkatabi. Madalas kami lang yung nagkakaintindihan. I like everything about him. Shit.
Bigla nalang eh. Actually, ni minsan hindi talaga sumagi sa isip ko na maffall ako sa kahit sinong kaibigan ko. Pero sabi nga nila pag tinamaan ka talaga, wala ka nang kawala. Okay lang sana, kaso... kaibigan ko siya eh. Sobrang hirap. Hindi ko manlang masabi sakanya tong nararamdaman ko kasi ayokong masira yung friendship namin. Ayokong mailang sya sakin. Ayokong isipin nya na baka bigyan ko na ng meaning yung kahit anong gagawin nya. Alam nyo yun. Tapos, ang mas mahirap pang part is.. mahal sya ng bestfriend ko.
Kung pwede ko lang sakalin si kupido ginawa ko na. Sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit dun pa sa kaibigan ko? Bakit dun pa sa kaibigan kong mahal ng kaibigan ko? Ayokong isiping unfair ang buhay, pero di ko maiwasan magtanong kung bakit. Di ko makita yung purpose kung bakit to nangyayari. Nakakabaliw. Yung tipong yun lang yung iniisip mo buong gabi. Sobrang bothered ka tapos hindi mo alam kung saan ka lulugar. Yung feeling na kailangan mo pang mamili kung ano bang uunahin mo. Kung yung feelings mo ba o feelings ng kaibigan mo.
Pero yun, sa kahit anong side ko tignan, hindi ko kayang igive up yung friendship namin ng bestfriend ko para lang sa feelings ko. Martyr kung martyr. Mas pinahahalagahan ko lang siguro yung pagkakaibigan namin kesa sa nararamdaman ko. Besides, di din naman ako sigurado kung tanggap ako ng kaibigan kong mahal ko kung saka sakali. Kaya itatago ko nalang to sa sarili ko. Nahihirapan ako kapag nagoopen yung bestfriend ko ng problema nya about dun sa kaibigan ko, kasi wala akong maipayo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Siguro, kakalimutan ko nalang to. Kasi wala din namang mangyayari. Gugulo lang lahat.
Siguro hahayaan ko nalang munang ganto yung sitwasyon. For sure, pag tumagal.. mawawala din tong nararamdaman ko. Hayyy. Ang bigat bigat sa feeling. Sana mawala na to. :|
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment